Forever isang salita na pinag aawayan kung meron nga ba o wala.
Maraming hindi naniniwala sa forever bakit nga ba? Dahil ba sa broken sila, niloko o hindi kaya iniwan?
Ilan lang yan sa mga tingin kong dahilan kung bakit nasasabi ng iba na walang forever. Para sakin may forever kasi ang bawat isa sa atin may choice pumili ng taong kaniyang mamahalin.
Sa mga taong nasaktan hindi naman masama kung pagpahingahin muna ang puso at kapag ready na ay magmahal ulit. Masarap sa piling kapag alam mong may taong nagmamahal sayo o nag aalaga. Sa mga taong paulit ulit namang nasasaktan wag kayong mawalan ng pag asa dahil may darating sa buhay niyo na siya na talagang magigng forever mo. Sabi nga nila "Patience is a virtue" kaya wag tayong mainip antayin natin yung taong nakalaan para satin.
![]() |
| Together Forever <3 |
![]() |
| I Love You <3 |
Wag tayong mag isip ng mga negative vibes kung iisipin lang natin na walang forever wala talaga. Maniwala lang tayo na may forever dahil kapag naniniwala tayo mangyayare to. Kung sinasabi mong walang forever marahil siguro single ka pa ngayon pero pag dumating yung araw na dumating na yung taong nakalaan sayo ikaw na rin siguro ang magsasabing may forever. Tiwala lang guys patunayan natin na meron talagang forever.
Dahilan kung bakit walang forever
-Breakups: Para maiwasan ito kapag kayo'y may problema pag usapan niyo muna at hindi kailangan ng pride sa pag ibig sa paglalaba lang ginagamit yun. Hindi masamang lumunok ng pride kahit minsan wala pa namang nababalitaan na namatay dahil dun. Sa relasyon kailangan nagkakaintindihan kayo at may komunikasyon sa isa't isa para mapatatag ito.

Iniwan/Niloko/Sinaktan
Pag kayo nakaranas niyan uso magpahinga. Pagready na puso niyo hindi naman masamang mag mahal ulit.
Masarap magmahal masakit masaktan. Iyak lang ng isang araw at bumangon sa dami ng tao may nakalaan para sayo.

Single
Sa mga single diyan, easy lang mga dude on the way ang forever niyo. Pag dumating na nararapat na alagaan at mahalin natin ng sa ganun hindi nagkakaroon ng conflict sa inyong dalawa. Kung ready ka na din magmahal hanapin mo na siya gawa gawa din ng paraan pag may time. Pag kayo na patunayan niyong may forever :) <3.

Sa mga tao diyan na hindi pa rin naniniwala sa forever. Maniwala na kayo try niyo magmahal o magamahal muli wala namang impossible kung susubukan natin. Masarap kaya tumanda ng may kasama at mag aalaga sayo. :).
Baka naman andiyan na yung forever mo. Nasa tabi mo na pala, Nasa harap mo na pala o baka matagal ka ng hinihintay. :)
FOREVER is a long time. But, I wouldn't mind spending it by your side <3.


No comments:
Post a Comment